akoy naghuhumapis, aking anak
na heto ka at nagsusukab
nang isinambulat bahong di akin,
at sabihing akoy nahhimbing.
paglingap sa inyoy walang halaga
datapwat akoy inyong binaka;
ipamintakasang kayoy inaglahi
pati si ama inyong isinali.
kayong binihisan at tinuruan,
pagkatao nonyoy kaning kadluan,
kayoy nasalag mula sa kamatayan
ng pinopoon nyong sinisiraan.
ngunit naririmlan kang mrahil
at ngayoy nais mo kong lisanin
isipin anak ang iyong pakikipagmoog
ay marahil iyong ikalugmok
kayat tahan na at matulog
kalimutan ang mga himutok
sundin na lamang aking payo
pagkat kabutihan moy ako lang nakatatarok.
Featured Post
Popol Vuh: The Definitive Edition of the Mayan Book of the Dawn of Life and the Glories of Gods and Kings by Dennis Tedlock
This volume can be divided into two parts. First is the introduction of the Popol Vuh; second, the translation of the work itself. It is...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Note: I don't claim to be an expert in the mythology and religion of the six tribes featured here. My source for this information is Fay...
-
Note: This is my final paper for Adv. Literary Theory and Criticism, one of my classes in MA in Literature. October 2015. I'm posting t...
No comments:
Post a Comment
Comments are always welcome! Please keep it clean.