Di ko lubos akalaing ganito kasakit ang paghihinagpis na daranasin ko. Kaybigat ng aking dibdib at halos di na mapigilan ang agos ng aking luha.Wala na. Wala na akong hahabulin, kukulitin at lalaruin sa labas. Wala na. Wala ng sasalubong sakin na halos matumba sa wagayway ng buntot.Wala na. Wala ng magmamakaawa para humingi ng makakain. Wala na. Wala na kayo na itinuring ko na parang mga kapatid na tao. Kung ano man ang pagkukulang koy pinagdurusahan ko na ngayon.Mahal ko kayong pareho. Ngunit kahit ano pang laban ang gawin natiy di tayo para sa isat isa.
Mga alaala sa isip koy di na mabubura pa. At ang sakit ay dadalhin ko sa bawat minutong kayoy maaalala.
Nagtataka at nagtatanong ngunit wala akong sinisisi. LAhat tayoy nagmahal, nasaktan at lumuha.
Nagdurusa rin kami sa sakit sa inyong pilit nilalabanan. Ngunit wala kaming magawa. Sanay sa mga maliligayang alaala natin ay nagbunga ito ng kasiyahan sa mga bata nating puso.
Paalam sa inyo.
Featured Post
Popol Vuh: The Definitive Edition of the Mayan Book of the Dawn of Life and the Glories of Gods and Kings by Dennis Tedlock
This volume can be divided into two parts. First is the introduction of the Popol Vuh; second, the translation of the work itself. It is...
Monday, July 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Note: I don't claim to be an expert in the mythology and religion of the six tribes featured here. My source for this information is Fay...
-
Note: This is my final paper for Adv. Literary Theory and Criticism, one of my classes in MA in Literature. October 2015. I'm posting t...
No comments:
Post a Comment
Comments are always welcome! Please keep it clean.