Posts

Showing posts with the label tagalog

Amaya

Image
This epic of a binukot (princess) turned babaylan (priestess) and bagani (warrior) made history as it showcased Southern Filipino culture in a primetime TV series. I was particularly impressed with the use of straight Filipino in the dialogues, the beautiful costumes and the fight scenes. A great deal of research and preparation were made for this. The main character Amaya can be likened to most epic heroes. She had an unusual birth (had a twin snake) and had to face many challenges as she journeyed to fulfilled her destiny (tagna) to kill the then-reigning Rajah (king) Mangubat. Add to that the constant trials set by her father's wife, Dian Lamitan. But despite the oppositions she was still able to find allies, human and divine. The main antagonist Lamitan was impressive too. Smart and cunning, she was able to manipulate people around her including her relatives to get where she wants. Essentially, she and Amaya were the same. Both women sought to change the prevalent be...

Larawan

Di ko lubos akalaing ganito kasakit ang paghihinagpis na daranasin ko. Kaybigat ng aking dibdib at halos di na mapigilan ang agos ng aking luha.Wala na. Wala na akong hahabulin, kukulitin at lalaruin sa labas. Wala na. Wala ng sasalubong sakin na halos matumba sa wagayway ng buntot.Wala na. Wala ng magmamakaawa para humingi ng makakain. Wala na. Wala na kayo na itinuring ko na parang mga kapatid na tao. Kung ano man ang pagkukulang koy pinagdurusahan ko na ngayon.Mahal ko kayong pareho. Ngunit kahit ano pang laban ang gawin natiy di tayo para sa isat isa. Mga alaala sa isip koy di na mabubura pa. At ang sakit ay dadalhin ko sa bawat minutong kayoy maaalala. Nagtataka at nagtatanong ngunit wala akong sinisisi. LAhat tayoy nagmahal, nasaktan at lumuha. Nagdurusa rin kami sa sakit sa inyong pilit nilalabanan. Ngunit wala kaming magawa. Sanay sa mga maliligayang alaala natin ay nagbunga ito ng kasiyahan sa mga bata nating puso. Paalam sa inyo.

Paalam Kaibigan

Kung sa pagdanak ng dugo mo lang maaabot ang dulo ng iyong puso, sanay di ko na lang hinanap pa.  Ninais kong abutin at ibigay ang pag-ibig na nararapat kong isukli.  Ngunit ang susi lang pala ay kamatayan.  Nagbukas man ng pinto ang silid ng aking damdamin, nagsara naman ito ng pinto ng buhay.  Buhay na puno ng ligaya.  Buhay na pinuno mo ng ngiti.  Di mo man ako marinig ngayoy nais kong malaman mo na mahalaga ka sakin. Tinulungan mo kong maging mapagmahal na tao. Ikaw pa man na di tao ay hinaplos ang puso kong kaytigas upang hanapin ang mga luha ng pagkalinga. Ngayoy lubos na nangungulila sayo ang kaluluwa ko.  Ikaw ang parte ng buhay ko na kailanmay di mamamatay kahit ikay wala na. Sana sa iyong huling hiningay naisip mong mahal ka namin.  Kahit wala kami sa tabi moy nasa iyo ang pusot damdamin namin.  Paalam kaibigan, ay salamat sa mga ngiting iniwan mo.

Tahan na Anak Ko

akoy naghuhumapis, aking anak na heto ka at nagsusukab nang isinambulat bahong di akin, at sabihing akoy nahhimbing. paglingap sa inyoy walang halaga datapwat akoy inyong binaka; ipamintakasang kayoy inaglahi pati si ama inyong isinali. kayong binihisan at tinuruan, pagkatao nonyoy kaning kadluan, kayoy nasalag mula sa kamatayan ng pinopoon nyong sinisiraan. ngunit naririmlan kang mrahil at ngayoy nais mo kong lisanin isipin anak ang iyong pakikipagmoog ay marahil iyong ikalugmok kayat tahan na at matulog kalimutan ang mga himutok sundin na lamang aking payo pagkat kabutihan moy ako lang nakatatarok.

Para Sa mga Nawalan

Minsay may mag bagay sa buhay mo na bigla-biglay kinukuha na lang ng kapalaran.mga bagay na akala moy magbibigay ng panghabambuhay na kasiyahan. mga bagay na akala moy iyong-iyo na. ang lubos ana kaligayahan di kailanman matatamasa dito sa mundong ibabaw pagkat di dito nagtatapos ang buhay ng tao. ngunit may mga pagkakataong binibiyayaan ka ng higit sa anumang iyong inaasahan. panadalian ngunit dala mo hanggang sa hukay na mga alaala.aakalain mong het nat natagpuan mo na sa wakas ang perpektong bagay. ngunit hiram lang pala at bukas makalawa ay luahaan ka na. kayat pauloy kang maghahanap at maghihinatay. minsay darating at may papalit. ngunit mayron ding wala. ano man ang kahihinatnan iisa lamang ang mensahe ne maykapal:mahalin at pahalagahan mo ang bawat tao,hayop, bagay at pangyayaring minsan lang magbubuhos ng biyaya, pagmamahal at kasiyahan sa buhay mong puno ng lingkot, galit at kawalan.

Sagot ni Bathala

mula sa luwad kayoy aking nilikha tulad ng aking anyo at hitsura hinipan ng hangin ng buhay upang ang mundoy bigyan ninyo ng kulay isinambulat ang mga biyayang kayrami upang maging kasiya-siya ang inyong paglagi ang tubig, hangin, mga hayop at halaman sa inyoy ipinagkatiwala upang palaguin at pangalagaan nang lumawig ay nalimutan ang pangakong ito pagkat sa inyong mga ninanasa ay unti-unti kayong nalugmok mga bagay sa inyo ay ipinagwalang -bahala sa paninira ninyoy nawala ang lahat akoy naghuhumapis sa inyong pagkalisya tuloy sumagi sa akin ng bigla, panong napunta ang lahat sa wala at dustain ang mga ibinygay sa inyo sa pangwawalat? dinggin ang aking himutok upang ang katotohanan ay inyong matarok na sa inyong pamamalagi sa mundo kakambal niyo ang tungkuling kalingain ang gantimpalang ito.