mula sa luwad kayoy aking nilikha
tulad ng aking anyo at hitsura
hinipan ng hangin ng buhay
upang ang mundoy bigyan ninyo ng kulay
isinambulat ang mga biyayang kayrami
upang maging kasiya-siya ang inyong paglagi
ang tubig, hangin, mga hayop at halaman
sa inyoy ipinagkatiwala upang palaguin at pangalagaan
nang lumawig ay nalimutan ang pangakong ito
pagkat sa inyong mga ninanasa ay unti-unti kayong nalugmok
mga bagay sa inyo ay ipinagwalang -bahala
sa paninira ninyoy nawala ang lahat
akoy naghuhumapis sa inyong pagkalisya
tuloy sumagi sa akin ng bigla,
panong napunta ang lahat sa wala
at dustain ang mga ibinygay sa inyo sa pangwawalat?
dinggin ang aking himutok
upang ang katotohanan ay inyong matarok
na sa inyong pamamalagi sa mundo
kakambal niyo ang tungkuling kalingain ang gantimpalang ito.
Featured Post
Popol Vuh: The Definitive Edition of the Mayan Book of the Dawn of Life and the Glories of Gods and Kings by Dennis Tedlock
This volume can be divided into two parts. First is the introduction of the Popol Vuh; second, the translation of the work itself. It is...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Note: I don't claim to be an expert in the mythology and religion of the six tribes featured here. My source for this information is Fay...
-
Note: This is my final paper for Adv. Literary Theory and Criticism, one of my classes in MA in Literature. October 2015. I'm posting t...
No comments:
Post a Comment
Comments are always welcome! Please keep it clean.