Ninais kong abutin at ibigay ang pag-ibig na nararapat kong isukli.
Ngunit ang susi lang pala ay kamatayan.
Nagbukas man ng pinto ang silid ng aking damdamin, nagsara naman ito ng pinto ng buhay.
Buhay na puno ng ligaya.
Buhay na pinuno mo ng ngiti.
Di mo man ako marinig ngayoy nais kong malaman mo na mahalaga ka sakin.
Tinulungan mo kong maging mapagmahal na tao.
Ikaw pa man na di tao ay hinaplos ang puso kong kaytigas upang hanapin ang mga luha ng pagkalinga. Ngayoy lubos na nangungulila sayo ang kaluluwa ko.
Ikaw ang parte ng buhay ko na kailanmay di mamamatay kahit ikay wala na.
Sana sa iyong huling hiningay naisip mong mahal ka namin.
Kahit wala kami sa tabi moy nasa iyo ang pusot damdamin namin.
Paalam kaibigan, ay salamat sa mga ngiting iniwan mo.
No comments:
Post a Comment
Comments are always welcome! Please keep it clean.