Di ko lubos akalaing ganito kasakit ang paghihinagpis na daranasin ko. Kaybigat ng aking dibdib at halos di na mapigilan ang agos ng aking luha.Wala na. Wala na akong hahabulin, kukulitin at lalaruin sa labas. Wala na. Wala ng sasalubong sakin na halos matumba sa wagayway ng buntot.Wala na. Wala ng magmamakaawa para humingi ng makakain. Wala na. Wala na kayo na itinuring ko na parang mga kapatid na tao. Kung ano man ang pagkukulang koy pinagdurusahan ko na ngayon.Mahal ko kayong pareho. Ngunit kahit ano pang laban ang gawin natiy di tayo para sa isat isa.
Mga alaala sa isip koy di na mabubura pa. At ang sakit ay dadalhin ko sa bawat minutong kayoy maaalala.
Nagtataka at nagtatanong ngunit wala akong sinisisi. LAhat tayoy nagmahal, nasaktan at lumuha.
Nagdurusa rin kami sa sakit sa inyong pilit nilalabanan. Ngunit wala kaming magawa. Sanay sa mga maliligayang alaala natin ay nagbunga ito ng kasiyahan sa mga bata nating puso.
Paalam sa inyo.

Comments
Post a Comment
Comments are always welcome! Please keep it clean.